ANG SUPER MOTOR NA PAMPASADA, PANG-DELIVER AT PANG-SERBIS!
Sa Mola 150, dagdag pogi points sa pamamasada ang bagong disenyo ng decals. May Sporty-type muffler na…Mas efficient pa ang exhaust flow. Mayroon pang muffler guard para mas ligtas ang pasahero sa paso ng tambutso.
Pambato ang kisig ng bagong front and rear fender ng Mola 150. ito ay pinturado para iwas kalawang ang fenders mo.
Kayang-kaya ang bagsik ng iyong araw-araw na harabas ng clean emission engine na pasado sa mahigpit na EURO 1 Emission Standard.
Mas maginhawa at maayos ang pagbabiyahe dahil di-malubha ang tagtag ng vibration sa makina.
Lamang ka sa Mola 150 dahil maari itong umabot ng 67 km/litro at makatipid ka ng higit sa P23/araw o P690/buwan sa pagkarga ng gas kumpara sa ibang modelo na pang-tricycle.
Lubos masasala ang dumi sa langis kaya mas madalang ang pagpapalit nito. Mas makakasiguro kang hahaba ang buhay ng iyong makina.
Swabeng-swabe at walang palya ang pagpapa-istart dahil mayroong Electric-start ang Mola 150.
Ito ang Super Motor na talaga namang Hari ng Kalsada!